Huwebes, Marso 12, 2015

ANG LAKAS PAGGAWA NG BANSA

ANG LAKAS PAGGAWA NG BANSA

  • LABOR FORCE – o lakas paggawa ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng manggagawang may edad 15 taon pataas kabilang ang may trabaho at naghahanap ng trabaho.
  • LABOR FORCE PARTICIPATION RATE – tumutukoy sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa kung ihahambing sa kabuuang populasyon na may gulang na 15 taon pataas.
  • MAY TRABAHO O EMPLOYED – tumutukoy sa lahat ng mga may gulang na 15 taon pataas batay sa kanyang huling kaarawan na naisulat na nagtatrabaho.
  • WALANG TRABAHO O UNEMPLOYED – tumutukoy sa mga pansamantalang natanggal sa trabaho, naghahanap ng trabaho, o mga nais magtrabaho ngunit hindi magkakaroon ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa karamdaman.
  • UNDEREMPLOYED – ay may mga trabaho, ngunit hindi natutugunan ang kumpletong oras ng paggawa dahil sa sariling kagustuhan o dahil sa hindi makahanap ng full time na trabaho.
  • EMPLOYMENT RATE – tumutukoy sa bahagdan ng lakas paggawa na may hanapbuhay
  • UNEMPLOYMENT RATE – tumutukoy sa proporsyon ng mga taong ganap na awalang trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa
  • UNDEREMPLOYMENT RATE – proporsyon ng mga manggagawang sa kabuuan ng lakas-paggawa na hindi nagtatrabaho ng full-time.

MGA ORGANISASYON SA NEGOSYO

MGA ORGANISASYON SA NEGOSYO

NEGOSYO – tumutukoy sa anumang Gawain na pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
APAT NA URI NG ORGANISASYON SA NEGOSYO:
  1. PARTNERSHIP – binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi ng isang negosyo.
  1. SOLE PROPRIETORSHIP – negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
  1. CORPORATION – pinakamasalimuot na organisasyon ng isang negosyo. Ito ay may legal na katauhan.
  2. KOOPERATIBA – binubuo ng mga kasapi na kabahagi sa puhunan at tubo.

MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG YAMAN

MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG

 PINAGKUKUNANG YAMAN


REPUBLIC ACT 8749 – PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999

Itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse sa pagitan  ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.


REPUBLIC ACT 7586 – NATIONAL INTEGRATED PROTECTED AREAS SYSTEM ACT OF 1992 

– ang batas na ito ay kumikilala sa kritika na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkaka-iba-iba (natural and physical diversities) sa kapaligiran.

REPUBLIC ACT 7942 – o R.A. 7942 PHILIPPINE MINING ACT OF 1995


REPUBLIC ACT 9003 – ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000 

– ang mga kinauukulan ay nagtatakda ng iba’t-ibang mga pamamaraan upang makulekta at mapagbuklod-buklod (segregate) ang mga solid waste sa bawat barangay.

REPUBLIC ACT 8749 – PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999

Itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse sa pagitan  ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.

PRESIDENTIAL DECREE 1067 – WATER CODE OF THE PHILIPPINES 

– pangunahing layunin ng batas na maitatag ang batayan ng konserbasyon
ng tubig.

REPUBLIC ACT 9147 – WILDFIRE RESOURCES CONSERVATION AND PROTECTION ACT

– ang batas na ito ay naglalaan para sa konserbasyon at proteksyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tirahan



BATAS PAMBANSA 7638 – DEPARTMENT OF ENERGY ACT OF 1992

Propaganda Technique

Propaganda Technique


ASOSASYON – ginagamit ng mga sikat o kaaya-ayang personalidad sap ag-aanunsyo upang mahawa ng kasikatan ang isang produkto.

BANDWAGON EFFECT – layunin nito na sumang-ayon o makiisa ang isang mamimili sa desisyon ng pangkat ng mamimili.

DEMONSTRATION EFFECT – paglalahat at pagpapakita ng paraan ng paggamit at pakinabang ng produkto.

MGA PAGPAPATOTOO – tumutukoy sa binibitawang pahayag, pagpapatotoo, o testimonya ng mga tao hinggil sa kalidad ng nasubukang produkto.

PAULIT-ULIT – tumatatak sa isipan ng mga mamimili.

PRESSURE – madaliin ang pagpapasya ng mga mamimili.

PAG-APELA SA EMOSYON – madaling maantig ang damdamin o emosyon ng mga tao sa pamamaraang ito.

PAGGAMIT NG ISLOGAN – maikling pahayag na hamon o tema ng isang produkto.

SNOB EFFECT – upang maging iba sa lahat.

Miyerkules, Marso 11, 2015

MGA TAONG NAKILALA AT NAGING TANYAG SA EKONOMIKS




MGA TAONG NAKILALA AT NAGING TANYAG SA EKONOMIKS


DAVID HUME – GOLD-FLOW MECHANISM – ito ay naglalarawan kung paano ang gold- inflow ng mga merkantilista ay magwawakas sa pagtaas ng presyo sa halip na output.
COLBERT – ang ministro ng pananalapi ni Louis XIV
PHYSIOCRATS (PHILISOPHES) – ang nagapahayag na ang agrikultutra ang tanging pinagmulan ng pang-ekonomikong kalabisan at nagtangka na tanggalin ang restriksyon ng kalakalan sa mais at iba pang produkto.
QUESWAY – inilarawan nya ang ekonomiya bilang paikot na daloy
– doctor ni Louis XIV – ang kanyang iskema ay nagbibigay-daan na ang iba’t-ibang element ng ekonomiya ay magkakaugnay at sama-sama tulad ng mga lood vessels ng katawan.
ADAM SMITH – WEALTH OF NATIONS (1776)
– isang pilosopo at propesor na tubong Scotland.
– AMA NG DISIPLINA NG EKONOMIKS
*LAISSEZ FAIRE – patakaran ng di-pakikialam – nag-uugnay sa mamimili at nagbibili ng ilang produkto sa pinagkukunang-yaman
DAVID RICARDO – PRINCIPLES OF ECONOMY AND TAXATION, nagbibigay-linaw sa theory of value, pagbubuwis at pandaigdigang kalakalan.
-BATAS NG LUMILIIT NA KAPAKINABANGAN
-COMPARATIVE ADVANTAGE
THOMAS MALTHUS – THE PRINCIPLES OF POPULATION AS IT AFFECTS THE FUTURE OF THE SOCIETY
– ipinaliwanag nya na kung hindi matsek ang populasyon, ito ay dodoble ang laki tuwing ika-25 taon.  
KARL MARX – isang pilosopong manunulat at rebolusyonaryong Aleman. Ang sumulat ng DAS KAPITAL at LABOR THEORY OF VALUE
LEON WALRAS – GENERAL ECONOMIC SYSTEM
ALFRED MARSHALL – THE PRINCIPLES OF ECONOMICS *1930 – panahon ng GREAT DEPRESSION
JOHN MAYNARD KEYNES – GENERAL THEORY OF EMPLOYMENT, INTEREST, AND MONEY (1936)
– ang aklat na ito ay nagpalit ng pokus sa ekonomiks sa makroekonomiks, na tumatalakay sa pambansang kita, hanapbuhay, general price-levels at fiscal policy.

Ekonomiks

Pangangailangan

  • Pangunahing Pangangailangan/ Basic/ Primary Needs 
  • Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao: Pagkain, Damit, Bahay
  • Pangunahing Bagay (Necessities)



Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Image result for maslow        Abraham Harold Maslow (Abril 1, 1908 - Hunyo 8, 1970) ay isang American psychologist sino ay pinakamahusay na kilala para sa paglikha ng hierarchy ng mga pangangailangan sa Maslow, ang isang teorya ng sikolohikal na kalusugan predicated sa pagtupad innate mga pangangailangan ng tao sa priority, culminating sa self-actualization .


Hirarkiya ng mga Pangangailangan


Physiological NeedsKabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.

Safety Needs - Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay. Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan

Love And Belonging Needs Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya.

Esteem Needs - Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

Self Actualization - Pinakamataas na antas sa hirarkiya.
                               - Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

  • Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
  •  Growth force – nagtutulak sa mga taong makaakyat sa hirarkiya.
  • Regressive force – nagtutulak sa kanya pababa sa hirarkiya

Image result for hirarkiya ng pagpapahalaga

Teorya ng Pangangailangan ni McClelland


Image result for mc clelland
.

Nagawa (Achievement)
  • Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga gantimpalang materyal at salapi.
  • Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
  • Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay.
  • Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan.
  • Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na kanilang nakamit.
  • Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa.  
  • Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa kanyang pangangailangan.


Kapangyarihan (Power)
  • Dalawang uri ng kapangyarihan sa pangangailangan ng tao: 1. Personal – Pangangailan ng personal na kapangyarihan ay nais na mag utos sa iba at kadalasan, ito ay hindi maganda. 2. Institusyonal – ang mga taong nangangailangan ng kapangyarihang institusyonal ay nakatuon sa mga pagsisikap ng kasapi upang maging maayos ang layunin ng samahan.

Pagsapi (Affiliation)
  • Ang mga tao na may pangangailangan sa pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang nakadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.




ANG ENTREPRENYUR

ENTREPRENYUR – ang salitang entreprenyur ay hango sa salitang French na entreprende na nangangahulugang “isagawa”
– ang isang entreprenyur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
ENTREPRENEURSHIP – tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.
– dapat magtaglay ang isang naghahangad na magkaroon ng entrepreneurship ng motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills upang ang produkto ay maging mahusay at ang magandang ideya ay maisagawa.