Miyerkules, Marso 11, 2015

Ekonomiks

Pangangailangan

  • Pangunahing Pangangailangan/ Basic/ Primary Needs 
  • Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao: Pagkain, Damit, Bahay
  • Pangunahing Bagay (Necessities)



Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Image result for maslow        Abraham Harold Maslow (Abril 1, 1908 - Hunyo 8, 1970) ay isang American psychologist sino ay pinakamahusay na kilala para sa paglikha ng hierarchy ng mga pangangailangan sa Maslow, ang isang teorya ng sikolohikal na kalusugan predicated sa pagtupad innate mga pangangailangan ng tao sa priority, culminating sa self-actualization .


Hirarkiya ng mga Pangangailangan


Physiological NeedsKabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.

Safety Needs - Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay. Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan

Love And Belonging Needs Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya.

Esteem Needs - Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

Self Actualization - Pinakamataas na antas sa hirarkiya.
                               - Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

  • Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
  •  Growth force – nagtutulak sa mga taong makaakyat sa hirarkiya.
  • Regressive force – nagtutulak sa kanya pababa sa hirarkiya

Image result for hirarkiya ng pagpapahalaga

Teorya ng Pangangailangan ni McClelland


Image result for mc clelland
.

Nagawa (Achievement)
  • Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga gantimpalang materyal at salapi.
  • Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
  • Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay.
  • Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan.
  • Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na kanilang nakamit.
  • Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa.  
  • Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa kanyang pangangailangan.


Kapangyarihan (Power)
  • Dalawang uri ng kapangyarihan sa pangangailangan ng tao: 1. Personal – Pangangailan ng personal na kapangyarihan ay nais na mag utos sa iba at kadalasan, ito ay hindi maganda. 2. Institusyonal – ang mga taong nangangailangan ng kapangyarihang institusyonal ay nakatuon sa mga pagsisikap ng kasapi upang maging maayos ang layunin ng samahan.

Pagsapi (Affiliation)
  • Ang mga tao na may pangangailangan sa pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang nakadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.




ANG ENTREPRENYUR

ENTREPRENYUR – ang salitang entreprenyur ay hango sa salitang French na entreprende na nangangahulugang “isagawa”
– ang isang entreprenyur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
ENTREPRENEURSHIP – tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.
– dapat magtaglay ang isang naghahangad na magkaroon ng entrepreneurship ng motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills upang ang produkto ay maging mahusay at ang magandang ideya ay maisagawa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento